Sunday , April 28 2024

Pelikula ni Bela, laging may mental issues; Matteo, nanggulat

MOVIE reviewer na si Atty. Ferdinand Topacio bukod sa pagging practitioner lawyer ng mga kilalang personalidad.

Kaya naman sa ginanap na premiere night ng pelikula nina JC Santos at Bela Padilla ay present ang abogado at narinig naming sabi niya, “I want to see the movie, I have to write my review, eh,” sabi ng abogado kay Boss Vic del Rosario na kaharap niya sa sa lamesa bago sila kumain sa Botejyu, Estancia Capitol Commons.

Kagagawa lang ng Estancia Mall at ang sinehan nila ay kagagawa rin at ayon sa staff ng Cinema 1 ay unang beses nilang magkaroon ng premiere-night kaya excited din sila.

Anyway, bakit ba sa tuwing gagawa ng pelikula si Bela ay tila iisa ang tono kumbaga sa kanta?

Simula sa pelikulang 100 Tula para Kay Stella, Meet Me in St. Gallen, at itong On Vodka, Beers, and Regrets ay tila iisa ang ginagampanang karakter ng aktres, lagi siyang may mental issues at ang leading man ang mabait.

Sa saglit na panayam namin kay Direk Irene Villamor ay binuo nila ni Bela ang idea ng pelikula na ang peg naman ay sa pelikula ni Meg Ryan noong araw na may titulong When A Man Loves a Woman, (1994).

At dahil katuwang ni direk Irene ang artista niya sa On Vodka, Beers and Regrets ay hindi kaya napansin na iisa ang takbo ng kuwento ng babaeng karakter?

Masakit na masaya ang kuwento ng pelikula nina JC at Bela kaya maraming makare-relate at nagulat kami sa karakter na ibinigay kay Matteo Guidicelli dahil medyo bad boy siya rito na hindi bagay sabi ng ilan dahil nga mabait ang aktor.

Hirit namin na baka sinadyang ibigay kay Matteo ang role para makita naman ang kayang gawin din ng aktor o other side niya. Personally naniniwala kaming may ibang topak din ang fiancé ni Sarah Geronimo.

Ang sexy ni Bela at sobrang puti noong nag-bathing suit at sabi ng mga kalalakihan, ang ganda ng abs ni JC, sabi naman ng mga katabi naming nanood sa Ortigas Cinema 1 na kilig na kilig sa aktor.

Bagong hugot movie ito nina JC at Bela na palabas na ngayong araw, Miyerkoles handog ng Viva Films at idinirehe ni Irene Emma Villamor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *