Friday , May 9 2025

Marissa, takot nang magmahal

NO barred ang naging takbo ng aming interview kay Marissa Sanchez nang naging guest namin siya sa The Stage Is Yours na napanood sa EuroTV Phils noong Tuesday na sinagot niya lahat ang mga tanong na walang kiyeme as in, straight to the point.

Tulad na lamang ng pag-amin nitong mayroon siyang sama ng loob sa isang reporter.

Nagkausap daw sila sa FB Messenger at pumayag siyang sagutin ang mga tanong na ipinadala sa kanya. But the sad part, nang lumabas na ito sa dyario ay iba na ang naisulat at malayo sa kanyang nasabi.

Ang tanging naisip niya ay baka nawala ang kopyang naipadala niya sa journalist kaya kung ano-ano na lang ang lumabas na pinagsasabi niya sa artikulo.

In fairness nag-sorry naman ang nasabing journalist na tinanggap naman nito pero nakukulangan siya sa ginawang pag-sorry dahil malaking impact ang naiwan na hindi niya nagustuhan to-the-max base roon sa naisulat.

Tulad din ng pag-amin nito na ayaw na niyang mag-asawa dahil baka mauwi rin sa hiwalayan tulad ng nangyari sa kanyang two past relationships.

Pero biglang bawi ito na hindi siya nagsasabi ng patapos dahil ang buhay ay walang kasiguruhan. Baka dumating ang oras na kakainin nito ang kanyang nasabi.

Tulad ng naging eksena sa guesting nito na kasama ang dalawang balladeer at talagang nagpa-cute ito at gusto pa ngang umupo sa gitna ng dalawa kaya bigla namin siyang sinita na hanggang two failed marriages lang siya at natauhan naman.

Oo naman, ang guwapo ng katabi ko pero sa tanda kong ito, iisipin ko pa bang magkakarelasyon kami? Naku, kukuwartahan lang niya ako, uubusin lang ang aking pera!” pakuwela nitong sabi na nauwi sa malakas na tawanan.

Ang tiniyak nito ay baklang-bakla siya kung umibig as in, all mine to give siya magmahal. Kaya ayaw nitong magsabi ng patapos ay dahil alam nitong puno ng mga bakla ang showbiz.

Kung may manligaw sa kanya na buking ang pagkatao at gagamitin lang siya ay iniiwasan na agad niya ito at sasabihing hanggang two failed marriages lang siya.

Ibang kausap si Marissa, totoo siya, walang lihim-lihim na ayon sa kanya ay umabot na siya sa edad 50 kaya aminado siyang hindi na siya inaribahan as in, wala na siyang sexual urge dahil umabot na siya sa ganoong gulang at diabetic pa.

Funny this fatty bundle of laughter and joy lady as in, talagang no dull moment with her. And speaking of funny, magkakaroon siya ng Valentine Concert sa February 14 kasama si Comedy Man Eric Nicolas sa KM 19, East Service Road, Sucat, Muntinlupa City. Kita-kits tayo!

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Ralph dela Paz

Ralph Dela Paz sunod-sunod ang proyekto

MATABILni John Fontanilla SUNOD-SUNOD ang pelikula ni Ralph dela Paz matapos bumida sa advocacy film …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

Bam Aquino Bimby

Bimby inendoso ang tiyuhin na si Bam Aquino

ISA pang miyembro ng pamilya Aquino ang nag-endoso sa kandidatura ni dating Senator at independent senatorial candidate Bam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *