Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diane, hinangaan sa 11th Star Awards for Music

OVERWHELM ang tamang termino sa naramdaman ni Diane de Mesa nang sumalang sa Wow, Ang Showbiz sa Radyo Inquirer ni Ms. F. (Fernan de Guzman). Parte ito ng kanyang album promo tour sa nagawang apat na album na siya ang nag-produce at kumanta ng kanyang mga komposisyon na kasama sa album.

Sa totoo lang, pagkalipas ng 21 years ngayon lamang siya nakabalik sa  Pilipinas at gaya ng nasabi namin, sa kanyang pagbabalik ay dala ang  apat na album para ibahagi ang kanyang talento sa musika.

Masayang natapos ang guesting ng Princess of Love songs na nanggaling pa sa Bay Area, California, USA at lalong naging masaya nang imbitahan sa 11th PMPC Star Awards for Music.

Sobrang matagumpay ang katatapos na Star Awards for Music 2020.

Puwedeng hindi pa siya kilala ng mga naroon  pero umani siya ng palakpakan dahil maganda ang kinanta niya na sariling komposisyon, ang Miss Na Miss Kita na isang malaking hit sa ating mga kababayan sa Amerika.

Well, sa magandang kinalabasan ng kanyang album promo tour, puwedeng bumalik ito sa susunod na taon para mag-concert at para mag-promote uli ng ikalimang album na nasimulan na.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …