Saturday , November 16 2024

Binatang depressed nagbigti sa billboard

DEPRESYON ang itinuturong dahil kung bakit uminom muna ng alak saka nagbigti ang 23-anyos na binata sa billboard sa Quezon City, nitong Lunes ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Rey Erfe Seco, 23 anyos,  binata, maintenance ng Mantego Ads, tubong Pangasinan at residente sa Katipunan Ave., Escopa 2, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni P/CMSgt. Elizalde Toledo, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 8:00 am nitong 27 Enero nang maganap ang insidente sa billboard site na pag-aari ng Mantego Ads Corporation na matatagpuan sa kahabaan ng Katipunan Ave. corner Cinco Hermanos St., Escopa 2, QC.

Ayon sa nakasaksing si Joy Flores, 38 anyos, manikurista, nasa loob siya ng kanilang tahanan nang makarinig ng ingay mula sa labas.

Upang alamin kung bakit, lumabas siya sa bahay at nakita niya ang maraming tao na nakatingala at itinuturo ang mataas na billboard na nasa itaas ng kanilang barung-barong.

Pagkatingala ni Flores, nakita niya ang lalaking nakabigti sa billboard.

Mabilis na nagresponde ang SOCO team sa pamumuno ni  P/Lt. Charibelle Jandoc at matapos maibaba ang bangkay ng biktima ay nakasamsam sila ng mga bote ng beer sa lugar.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *