Thursday , December 26 2024

Bagong komite para sa PWD serbisyo paiigtingin

PAG-IIBAYUHIN ni Rep. Ma. Lourdes “Marilou” Arroyo ang mga serbisyo para sa persons with disability (PWD) matapos siyang italaga bilang chairperson ng bagong Special Committee on PWDs.

Ayon kay Arroyo ng 5th District, Negros Occidental, pagtutuunan niya ng pansin ang lahat ng panukalang mag kaugnayan sa kapakanan ng mga PWD.

“The PWDs sector is one of the most overlooked sectors in the country. For such a long time, PWDs have been enduring difficulty compounded by additional setbacks in the built-in infrastructure of our civic and social services that have not progressed enough to include PWDs and take into account their needs. This committee that I will be heading will seek to implement measures that can be taken to address factors pertaining to PWDs that have been overlooked in the past, and guarantee that the well-being of PWDs will be prioritized,” ayon kay Arroyo naa kapatid ng dating First Gentleman Mike Arroyo.

Nauna nang naghain si Arroyo ng House Bill 2224 o ang “PWD-friendly and Safe Transportation Act” na naglalayong ayusin ang PWD-friendly transportation program upang pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan nila bilang commuters.

Ayon sa panukala, lahat ng public utility vehicles (PUV) operators and owners ay inuutusang ayusin ang kanilang mga sasakyan upang mabigyan ng maayos na rampa at lugar para sa mga wheelchair at iba pang kagamitan ang mga PWD.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *