BINUBUSISI na rin ngayon ng Palasyo ang isa pang kontrata na pinasok ng negosyanteng si Fernando Zobel de Ayala sa pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iimbestigahan na ang kontrata ng mga Ayala sa University of the Philippines Ayala Land Technohub sa Quezon City.
Ayon kay Panelo, napag-alaman niya na umuupa lamang si Ayala ng P20 kada square meter sa UP sa loob ng 25 taon.
Ayon kay Panelo, kapag nagkatotoo ang ulat, tiyak na malaki na naman ang problema ni Ayala.
Sinabi ni Panelo na hindi lamang ang UP Ayala Land Technohub ang iniimbestigahan ngayon ng Palasyo kundi maging ang iba pang maanomalyang kontrata.
Matatandaang pinagbantaan ni Pangulong Duterte si Ayala na may-ari ng Manila Water company at negosyanteng si Manny Pangilinan na may-ari naman ng Maynilad dahil sa tagilid na kontrata sa tubig na pinasok sa gobyerno.
Binubusisi na rin aniya ng palasyo ang kontrata nina Ayala at Pangilinan sa Light Rail Transit 1 na isa pa aniyang maanomalyang kontrata.
(ROSE NOVENARIO)