MALAKI ang papel ng Iraqi Embassy sa Maynila sa nagpapatuloy na repatriation ng mga Filipino sa Iraq, ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, sa pakikipagtulungan ng naturang Embahada, napabibilis ang proseso sa pagpapauwi sa ating mga kababayang naiipit sa kaguluhan sa Middle East o Gitnang Silangan.
Nitong Miyerkoles, tagumpay na nakauwi sa bansa ang unang batch ng repatriated Filipinos na binubuo ng 11 nakatatanda at dalawang bata.
Nauna rito, napaulat na hinarang ng mga Iraqi immigration officers ang siyam sa kanila dahil sa hinalang ilegal ang kanilang visa.
Nagpapatuloy ang pagpoproseso ng ahensiya sa repatriation ng mga Filipino mula sa Iraq at Iran. (JAJA GARCIA)