Saturday , November 16 2024

Taal idineklarang ‘No Man’s Land’

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na ideklanag “no man’s land” ang Taal Volcano Island.

Inihayag ito ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Renato Solidum sa panayam kahapon sa Malacañang.

“That is part of the approved recom­menda­tion that Taal volcano island should not have permanent habitation,” aniSolidum.

Ang rekomendasyon ay ginawa ni Defense Secretary Delfin Loren­zana sa ginanap na situational briefing sa Batangas kamakalawa.

Inatasan ng Pangulo ang ibang miyembro ng gabinete na tiyakin na laging handa ang ayuda sa lokal na pamahalaan at evacuees.

“Well essentially, for the other Cabinet or other department to ensure that assistance is always ready for the local government and evacuees, the affected population and the of course there are evacuation sites that can be use not only in the area and other areas in the Philippines because the focus of this adminis­tration is to really make sure that we have enough response facilities aside from making sure that people are assisted in terms of the food and health,” kaugnay sa direktiba ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

DELIKADONG
LUGAR
SA BATANGAS
I-LOCK DOWN
— SOLON

HINIMOK ni ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran ang gobyerno na huwag nang payagan bumalik ang mga tao sa mga mapanganib na lugar sa paligid ng Taal Volcano.

Ayon kay Taduran, maaari silang ilipat sa Metro Manila upang makaiwas sa panganib.

“Strictly implement the lockdown of Lemery and other towns where fissures are showing. Evacuate some, if not all, of the residents of high risk areas to Metro Manila,” ani Taduran.

Aniya kailangan ipatupad ang lockdown sa mga danger zones na malapit sa bulkang Taal partikular sa Lemery, Agoncillo, Talisay, at San Nicolas, Batangas kung saan nabiyak ang lupa.

Nanawagan ang kongresista sa mga mayor ng Metro Manila na buksan ang kanilang evacuation centers para sa evacuees ng Batangas.

“Marikina and Makati have modular tents. Other local govern­ments have empty gyms that can accommodate more evacuees. It is safer for the evacuees to be in Metro Manila where there’s water and electricity, and where help is readily available,” ani Taduran.

Ayon kay Elmer Modeno (nasa larawan naglalakad mula sa Buso-buso) bumagsak ang bahay nila at hindi na mapakinabangan ang mga gamit sa bahay.

“Nawala lahat, ma­ging mga isda nawala,” ani Modeno.

Isa sa mga lugar na may malaking pinsala mula sa abo ng bulkang Taal ang Barangay Buso-buso sa Laurel.

Ayon kay Virgie Sarmiento, bumagsak ang bubong ng bahay niya dahil sa bigat ng abo.

Si Sarmiento at ang mga kapitbahay na si Terry Rodriguez (naglilinis ng bubong sa larawan) ay may mala­king pinsala rin sa kanilang mga bahay.

 (GERRY BALDO)

12 TINDAHAN
SA BAMBANG
INASUNTO
NG DTI

KAUGNAY nito, may 12 establisimiyento sa Bambang, Maynila ang naisyuhan ng notice of violations ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa overpricing ng face masks at medical supplies.

Ayon kay DTI Under­secretary Ruth Castelo, sa 17 establisimiyento sa Bambang ay 12 ang nakitaan ng paglabag.

Sinabi ni Castelo, sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang nasabing mga esta­blisimiyento dahil sa pagpapataw ng sobrang taas ana presyo ng face masks.

Hiniling din ng DTI sa publiko na i-report sa kanila ang mga tindahan na naniningil ng mahal sa face masks sa pamama­gitan ng pagpapadala ng larawan ng resibo at impormasyon sa tinda­han.

Ani Castelo, aabot sa P5,000 hanggang P2 milyon ang multa na maaaring ipataw sa mga lumabag na tindahan.

Bukod sa overpricing ay may matuklasan din ang DTI na mabababang kalidad ng N95 masks.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *