HINIMOK ni ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran ang gobyerno na huwag nang payagan bumalik ang mga tao sa mga mapanganib na lugar sa paligid ng Taal Volcano.
Ayon kay Taduran, maaari silang ilipat sa Metro Manila upang makaiwas sa panganib.
“Strictly implement the lockdown of Lemery and other towns where fissures are showing. Evacuate some, if not all, of the residents of high risk areas to Metro Manila,” ani Taduran.
Aniya kailangan ipatupad ang lockdown sa mga danger zones na malapit sa bulkang Taal partikular sa Lemery, Agoncillo, Talisay, at San Nicolas, Batangas kung saan nabiyak ang lupa.
Nanawagan ang kongresista sa mga mayor ng Metro Manila na buksan ang kanilang evacuation centers para sa evacuees ng Batangas.
“Marikina and Makati have modular tents. Other local governments have empty gyms that can accommodate more evacuees. It is safer for the evacuees to be in Metro Manila where there’s water and electricity, and where help is readily available,” ani Taduran.
Ayon kay Elmer Modeno (nasa larawan naglalakad mula sa Buso-buso) bumagsak ang bahay nila at hindi na mapakinabangan ang mga gamit sa bahay.
“Nawala lahat, maging mga isda nawala,” ani Modeno.
Isa sa mga lugar na may malaking pinsala mula sa abo ng bulkang Taal ang Barangay Buso-buso sa Laurel.
Ayon kay Virgie Sarmiento, bumagsak ang bubong ng bahay niya dahil sa bigat ng abo.
Si Sarmiento at ang mga kapitbahay na si Terry Rodriguez (naglilinis ng bubong sa larawan) ay may malaking pinsala rin sa kanilang mga bahay.
(GERRY BALDO)