NANAWAGAN si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) na i-upgrade na ang kanilang mga kagamitan sa pamamagitan ng P221 milyong budget ngayong 2020.
Ani Romualdez, kailangan nang pagibayuhin ang monitoring at warning equipment upang magkaroon ng gamit sa volcanic eruption, earthquake at tsunami.
Ginawa ni Romualdez ang panawagan matapos ang biglaang pagsabog ng bulking Taal kasunod ang mga reklamo ng mga taga-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na nabigla sa pagsabog ng bulkan noong Linggo ng hapon.
“We do not fault the PhilVolcs for the lack of adequate warnings on the impact of the phreatic explosion. We are aware that it is really difficult to predict the occurrence of volcanic eruption and related disasters,” ani Romualdez.
“But this is precisely the reason why Congress included more than P221.48 million capital outlays in the P588.12 million total budget of PhiVolcs for 2020. We need to upgrade the country’s monitoring and warning program for volcanic eruption, earthquake and tsunami,” dagdag niya.
Kaugnay nito nanawagan si Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, ang chairperson ng House committee on the welfare of children, na kailangan nang ipasa ng Kongreso ang panukalang Department of Disaster Resilience (DDR).
“Time and again, the wrath of nature reminds us to come up with strategic and systematic approaches to disaster prevention, mitigation, preparedness and response,” ani Yedda Romualdez, asawa ni Martin Romualdez.
(GERRY BALDO)