NAKABIBILIB naman ang isang katulad ni Jace Roque na naging magaling na mang-aawit kahit walang tumulong sa kanyang major record label o isang management team. Hindi pa naman katagalan ang kanyang pagpasok sa entertainment world, pero hindi lang siya naging aktor kundi napagtagumpayan din ang pagiging commercial model na mahirap gawin kung kulang ang kaalaman sa pinasok na karir.
Sa ngayon, naiisip nitong pag-ibayuhin pa ang pagiging singer. Marami ang naniniwala sa kanyang kakayahan kaya naman hindi nakapagtataka na napasok ang ABS-CBN shows sa pamamagitan sa paglabas nito sa ilang proyekto tulad ng And I Love You So, Inday Bote, at Ningning.
Nakagawa rin siya ng ilang supporting roles sa ilang hit movies tulad ng Across the Crescent Moon at Tatay Kong Sexy na pinagbidahan nina Matteo Guidicelli at Senador Jinggoy Estrada.
Sa kaalaman ng lahat, tiyuhin ni Jace si Gino Padilla na isang magaling na mang-aawit gayundin si Luke Mejares na distant cousin at ang character actor at stuntman na si Boy Roque.
Nag-full time na ngayon si Jace sa musika at alam nitong kailangang gumawa siya ng isang bagay na para maiba sa mga OPM singer. Tulad ng EDM or electronic dance music at ang pagsulat, pag-produce, at pag-arrange ng kanyang kanta na pinasok na rin. Nakapag-release na siya ng anim na singles na maririnig sa Spotify at ang balita, naging matagumpay ang mga ito.
Ang kanyang single na Sober, ay sinuportahan ng mga mahihilig sa musika kaya umabot ito ng 300,000 times sa Spotify. Maliban dito ay na-feature ito sa tatlong platform’s most popular playlists: New Music Friday Philippines, OPM Rising, and Tatak Pinoy.
Katunayan, gumawa ng malaking ingay si Jace sa Spotify at naging feature artist sa cover ng OPM Rising playlist. Nai-release rin ang kanyang Sober sa Ditto Music, isa itong music distribution company na nakapaglabas din ng mga kanta nina Ed Sheeran at Sam Smith.
Samantala, ang lyric video sa Jace’s latest single na Love ay umabot ng 100,000 views na nai-release sa Kobalt Music Group, subsidiary ng AWAL, isa pang international company.
Inamin ng mang-aawit na lahat ng accomplishments ay sobrang naka-impress sa kanya nang naisip nito na nakayang gawin magisa. Nakatulong din sa kanya ang pag-iisip na isa siyang independent artist na kailangang magtrabaho ng triple para mapunta sa kung nasaan siya ngayon.
“If you listen to my songs, you’ll notice that they are all straight from the heart, hindi sila plastic. In my songs, ang ipinakikita ko talaga is not the person I want to be, but the person I really am,” he says like a true artist.
For more on Jace, check out his electronic press kit at https://tinyurl.com/JaceRoque.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu