Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, aktibo sa pagtulong may posisyon man o wala

NAPAPANOOD ngayon si Angel Locsin sa infomercial ng Optical Media Board (OMB) na ginawa mismo ni Neil Arce, ang magiging mister ng aktres.

Bilang Ambassador ng anti-piracy campaign ng OMB, handang maging bahagi sa mga aktibidades ang aktres para sa promotion ng “intellectual rights of producers, composers, and media creators.” Naganap ang pagbigay ng appointment kay Angel sa isang press conference ng OMB na ginanap noong December 20, 2019.

Ang aktres ay kilala sa kanyang charity works, personal advocacies, at sumusuporta sa Philippine National Red Cross. Dahil ditto, malaki ang naging credential ng aktres sa pagtulong sa pag-promote ng OMB campaign laban sa piracy na tinatawag na #NgayonNa campaign.

Madalas din ang pagtulong ni Angel sa mga nasasalanta ng bagyo. Bagamat hindi siya ang highest paid sa ating mga artista para makapamahagi ng tulong na umaabot na sa bilyong halaga.

Gustuhin mang ilihim ng aktres ang kanyang ginawa, hindi niya maililihim dahil nakikita siya sa lugar na namamahagi siya ng mga damit at pagkain.

Kadyot lang, ito na ba ang sagot sa mga katanungan sa mga charity works ang napansin siya ng Duterte administration at nabigyan siya ng posisyon, ang pagiging bagong ambassador ng anti-piracy campaign ng  OMB? Well, congrats!

 

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …