Saturday , November 16 2024
Sabong manok

‘Kristo’ itinumba sa sabungan

PATAY ang isang ‘kristo’ o tagatawag ng pusta at taya sa sabu­ngan na sina­bing sangkot sa panda­raya sa mga sabungero nang pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa parking lot ng sabungan sa Malabon City, kama­kalawa ng gabi.

Dead on-the-spot ang biktimang kinilalang  si Alexander Francisco, 54 anyos, residente sa S. Pascual Beacum, Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod, sanhi ng  mga tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at katawan.

Sa ulat ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal, dakong 6:25 pm, nang maganap ang pamamaril sa biktima sa loob ng Dam­palit Cockpit Arena sa Brgy. Dampalit.

Naglalakad umano ang biktima sa parking area nang laipitan ng gunman at walang sabi-sabing pinagbabaril sa ulo at katawan na agad nitong ikinamatay.

Matapos ito, agad sumakay ang gunman sa naghihintay na motorsiklo na minamaneho ng kan­yang kasabwat bago mabilis na nagsitakas patungo sa Obando, Bulacan.

Sinabi ni P/Sgt. Germinal, bilang isang ‘kristo,’ naaalala ni Fran­cisco ang lahat ng tuma­taya sa pamamagitan ng pagsenyas ng mga kamay sa loob ng sabu­ngan na hindi isinusulat ngunit sa ilang okasyon niloloko umano nito ang mga nanalo at mama­wala sa loob nang ilang linggo o buwan.

“Magpapalamig lang ‘yan tapos lulutang ulit sa sabungan,” pahayag ng pulisya.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam ang tunay na motibo sa insidente. (R. SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *