PINATAOB ni Aga Muhlach sina Vice Ganda at Coco Martin dahil ang pelikulang Miracle in Cell No. 7 ang nanguna sa katatapos na Metro Manila Film Festival.
Sa ranking na nakuha namin, nakapagtala ng P350-M ang Miracle in Cell No. 7 sumunod ang The Mall The Merrier ni Vice na mayroong P305-M, pumangatlo ang 3Pol Trobol ni Coco na kumita ng P80-M, sinundan ng Mission Unstapabol ni Vic Sotto na mayroong P70-M, at sumunod ang Sunod ni Carmina Villaroel na kumita ng P20-M, Mindanao ni Judy Ann Santos na mayroong P15-M, Write About Love nina Miles Ocampo at Rocco Nacino na nakakuha ng P5-M, at ang Culion nina Iza Calzado, Meryll Soriano, at Jasmine Curtis ay mayroon namang P2-M.
Isang ‘miracle’ ang nangyari dahil ang dalawang pelikula na may temang kabadingan ay pinataob ng isang pelikulang ang bida ay kulang ang pag-iisip na nagpa-iyak sa mga manonood.
Sabi, hindi si Aga ang nagpatalsik sa takilya sa dalawang bigating personalidad kundi ang kuwento ng pelikulang Miracle In Cell No.7 na pusong-puso ang dala sa mga manonood kaya hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang paghahari sa takilya.
Saang punto ngayon nagkamali sina Vice at Coco? Sinasabing madalas nang napapanood ang una sa It’s Showtime na nagpapatawa sa mga manonood. Gabi-gabi namang napapanood si Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya marami ang nanininabago dahil halos buong pelikula ay nagpapel Paloma ito.
Well, malaking lesson ito after talaga sa istorya ang mga manonood at hindi lamang sa kung ano-anong pagpapatawa.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu