Saturday , November 16 2024

Bagong kontrata sa 2 water concessionaire igigiit ng Palasyo

BINIGYAN ng tsansa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang water con­cessionaires na tanggapin ang bagong concession agreement na ipapalit sa umiiral na kontrata na dehado ang taong bayan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag tumanggi ang Maynilad at Manila Water sa bagong kontrata, iuutos ni Pangulong Duterte ang kanselasyon ng umiiral na concession agreement at itutuloy ang pag-takeover ng pamahalaan sa pagsu-supply ng tubig sa consumers.

“There is a time for reckoning. That time has come,” ani Panelo.

“Hence, the chief executive is giving water concessionaires the option of accepting the new contracts minus the onerous provisions without any guarantee of not being criminally prosecuted together with those who conspired to craft the very onerous contracts,” dagdag niya.

“The Filipinos have lost enormously with the unabated collections by these concessionaires despite the latter’s dismal performance in supplying, delivering and distributing water,” aniya.

Wala aniyang itinakdang deadline para tanggapin ng Maynilad at Manila Water ang bagong kontrata.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *