ANG kontrobersiyal na aktres palang ito ang personal na bumibili ng kanyang mga gamot sa botika.
Minsan ay nangailangan niyang bilhin ang isang iniresetang gamot ng kanyang doctor, pero hindi umubra ang dinala’t ipinakita niyang prescription sa counter.
Ang siste, nasa ilalim pala ng kategoryang prohibited drugs o substances ang binibili niyang gamot na kailangan ng tinatawag na yellow prescription. Kumbaga, hindi lang ‘yon isang ordinaryong reseta.
Tinabla siya ng sales clerk kahit pa namukhaan siya nito bilang artista. Pero mapilit ang aktres, kalangang-kailangan daw niyang mabili ang gamot.
Ayon sa sales clerk, walang problema kung ibibigay ng aktres ang contact number ng kanyang doktor para ito na mismo ang tatawag para beripikahin kung totoong inireseta niya ito sa aktres.
Pagkasabi niyon ng sales clerk ay bigla na lang hinablot ng aktres ang hawak nitong reseta, sabay nagmamadaling lumabas ng botika.
Da who ang kontrobersiyal na aktres na hanggang ngayon pala’y on drugs pa rin? Isyogo na lang natin siya sa alyas na Geraldine Carriedo.
(Ronnie Carrasco)