IPINASA na sa Kamara ang panukalang pagtaas ng sahod ng mga sibilyang kawani ng gobyerno sa pangatlo at huling pagbasa sa panukala kahapon.
Ayon kay Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, ang House Bill No. 5712 ay nagtutulak sa mga kawani ng gobyerno para maging mabilis at mahusay sa serbisyo publiko.
Ani Quimbo, ang mataas na sahod ay nagreresulta sa mas produktibong manggagawa.
“Higher government wages will also keep the public sector competitive relative to the private sector and attract top talent to government jobs,” ani Quimbo.
Ang public school teachers, ani Quimbo, ay magkakaroon ng mas malaking benepisyo sa panukalang ito.
“The group which stands to benefit the most from this bill is our public school teachers, who make up about 22 percent of employees in government and GOCCs,” ayon sa mambabatas ng Marikina.
“The salaries of Teacher I, II, and III (Salary Grades 11 to 13 respectively) will experience the largest adjustments of any salary grade, at about 5 to 6 percent each year,” aniya.
Sa ulat, sinabing 187 ang bomoto ng yes at lima lamang ang bomoto ng no.
Ang pagtaas sa sahod ay umpisa sa Enero 2020 hangang 2023.
Ang ika-limang salary standardization law (SSL) ay magbibigay ng 23.24 porsiyento sa mga sahod ng 1.4 milyong kawani ng gobyerno sa loob ng apat na taon.
(GERRY BALDO)