HUWAG kang magnakaw, lalo ng road signs.
Ito ay ipinahiwatig ni Batangas Rep. Raneo Abu sa isang panukalang batas sa Kamara.
Ani Abu, sa pagdinig ng House committee on revision of laws dapat maparusahan ang mga nagnanakaw at sumisira ng road signs at iba pang warning devices sa kalsada.
Ang panukala ni Abu ay inaprobahan ng House Committee on Revision of Laws para maparusahan ang mga mapapatunayang nagkasala ng mula 12 hanggang 15 taon na pagkakakulong o P200,000 hangang P300,000 multa.
Ani Abu, inaprobahan na ang House Bill (HB) No. 2090 ng kanyang inakda.
“These (road signs and warning devices) are installed as safeguards to motorists and pedestrians to avoid loss of lives,” ani Abu.
Ayon sa datos ng Department of( Public Works and Highways (DPWH) may 42,558 pieces of signages at iba pang devices sa kalsada ang ninakaw o sinira mula 24 Enero 2013.
Dagdag ni Abu, ang pag sira ng road signs, warning devices at mga takip ng manhole ay dapat maparusahan ng anim hangang sampung taong pagkakabilango o pagmultahin ng P100,000 hangang P150,000.
Isinisi ni Abu ang pagkawala o pagkasira ng street signs sa pagdami ng mga aksidente sa kalsada.
Ayon sa Philippine National Police — Highway Patrol Group (PNP-HPG) mula 20 Hunyo 2016, nagkaroon ng 15,272 aksidente sa kalsada na nagresulta sa pagkamatay ng 1,252 noong 2014.
Ani Abu, tumaas ang bilang nito noong 2015 na nagkaroon ng 24,565 aksidente at pagkawala ng 1,040 buhay.
(GERRY BALDO)