FOR how many years now ay mas maagang idinaraos ang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival.
Kung dati-rati’y lampas sa kalagitnaan ng 10-day celebration ng MMFF ginaganap ang awards night, as early as two days makaraang opisyal na magbukas ang walong kalahok ay inaabangan na ito.
This year, sa December 27 ang ‘ika nga’y Gabi ng mga Gabi.
Nagkaroon din ng pagbabago ang MMFF parade na dati’y nakasanayan nang abangan sa may Roxas Blvd., ngayong taon ay sa Taguig City na gagawin.
Obvious ang papalit-palit na lugar na nagsisimula’t nagtatapos ang parade ng walong floats ng MMFF entries dahil ang naturang event naman ay inorganisa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
On the awards night, isa nang tradisyon ang awtimatikong pagkaka-nominate sa mga major acting categories ang principal cast members ng walong kalahok.
Kaya asahan nang kahit sa mga pelikulang hindi pang-award ang mga acting nila’y pasok sa list of Best Festival Actor nominees sina Vic Sotto, Coco Martin, at Vice Ganda.
As always, saving the best for last ang sequence ng bigayan ng mga parangal. Ang pinakahuli’y ang announcement kung sino ang nagwagi bilang Best Festival Actress.
Sa hanay nito’y naka-concentrate ang kompetisyon kina Judy Ann Santos Mindanao, Bela Padilla Miracle in Cell No. 7, at Iza Calzado Culion ). Obvious naman kung sino this early ang siyang uuwing nakangiti.
As in every year din, nakapako na sa mga respective entries nina Vic, Coco, at Vice Ganda ang highest-grossing film, although may isang nakalipas na MMFF na ang Meant to Beh ni Vic with Dawn Zulueta ay isang malaking disappointment sa takilya.
Sa una rin ay nangunguna ang kay Coco, pero pagdating sa huling araw ng commercial exhibition ay ‘yung kay Vice Ganda pala ang ultimate winner.
Remember Coco’s Panday na ang ending ay second top-grossing entry pala.
Sayang nga lang at may mga pelikulang naligwak sa final selection. Mas matindi at pukpukan sana ang laban sa Gabi ng Parangal kung nakasali ang Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor.
Neck-and-neck sana ang paligsahan sa Best Festival Actress.
This year, masuwerteng napili ang nag-iisang horror entry na Sunod tampok si Carmina Villaroel.
‘Ika nga, may alternatibong panonoorin ang publiko na nais namang tayuan ng balahibo sa takot.
As to the question kung alin sa walo ang posibleng magiging kulelat sa takilya ay wala sa bigat ng cast o kakulangan sa ingay o ang tema ang sagot.
All eight entries have equal chances at the box office, nagkakatalo lang sa figures.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III