PALALAKASIN ng pamahalaan ang family planning program kasabay ng pagsisikap na mapababa pa ang antas ng kahirapan sa bansa.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Ernesto Pernia, sadyang napabayaan ang naturang kampanya ng gobyerno na unang inilunsad noong 1969 at natigil noong late 70s.
Sinabi ni Pernia, naging malaki ang epekto ng hindi pagkakasustina ng naturang programa sa sitwasyon ng kahirapan sa bansa hindi katulad ng Indonesia at Thailand na nagsimula naman ang family planning program noong 1970.
Hanggang ngayon ayon sa Kalihim ay naririyan pa rin at hindi binitiwan ng Thailand at Indonesia ang nasabing programa dahilan upang higit na mababa ang poverty incident sa kanila.
Ang kailangan, aniya, ngayon ay isang honest to goodness na programa sa pagpaplano ng pamilya na ikakasa ng pamahalaan matapos na ito’y mapabayaan sa mga nakaraan.
ni ROSE NOVENARIO