HIGIT sa P4-bilyon ang nanganganib mawala sa rehabilitasyon ng Marawi City kung hindi ito gagastusin sa bayan na winasak ng gera sa pagitan ng gobyerno at mga extremist na Muslim.
Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, ang P4-bilyong pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi ay malapit nang mag-expire at babalik sa national treasury.
Ani Hataman, malaking inhustisya para sa mga taga-Marawi kapag nangyari ito.
“Malacañang, through Task Force Bangon Marawi (TFBM), should find ways to ‘save’ the 2018 funds from expiring, as this would consequently deny the victims of the 2017 Marawi Siege the justice that they have been painstakingly looking for over two years now,” ani Hataman.
“We are appealing on behalf of Marawi, of Maranaos, of its people, to preserve more than P4 billion in funds intended for the rehabilitation and reconstruction of the city. Now, more than ever, the rehabilitation efforts in Marawi is under a rigorous lens of scrutiny because of delays in the past,” paliwanag ni Hataman, ang dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Aniya, habang dapat gamitin ang pondo para sa pagsasaayos ng Marawi.
Aniya, napabalitang P5.1 bilyon para sa Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program (MRRRP) na nasa pambansang budget ng 2018, 17% lamang o P871.7 milyon ang nai-release noong Nobyembre.
Ayon kay Hataman, dapat pag-aralang mabuti ang pagpapalawig ng pondo ng Marawi noong 2018.
Aniya, hindi kasalanan ng tao na hindi ito nagamit.
(GERRY BALDO)