Monday , December 23 2024

Martial Law sa Mindanao tinuldukan ng Palasyo

TINULDUKAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na batas militar sa Mindanao sa nakalipas na dalawang taon at pitong buwan.

Inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Salvadaor Panelo, hindi na palalawigin ni Pangu­long Duterte ang martial law sa Mindanao sa pagtatapos nito sa 31 Disyembre 2019.

Ang pasya ng Pangulo ay kasunod sa pagtaya ng security at defense advisers na humina ang ter­rorist at extremist rebellion bunsod nang pagkamatay ng kanilang mga pinuno at pagbaba ng crime index.

“Contrary to the suppositions of the vocal minority on the proclamation of martial law in Mindanao, this decision of the Pre­sident shows how he responds to the situation on the ground,” ani Panelo.

Kompiyansa ang Palasyo sa kapabilidad ng mga awtoridad sa pagpa­panatili ng kapayapaan at seguridad sa Minadanao kahit hindi palawigin ang martial law.

“The people of Minda­nao are assured that any incipient major threat in the region would be nipped in the bud,” ani Panelo.

Matatandaan na idine­klara ni Pangulong Duterte ang batas militar dahil sa pagkubkob ng teroristang grupong ISIS sa Marawi City noong 23 Mayo 2017.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *