Monday , December 23 2024

Cayetano handang humarap sa imbestigasyon

HANDANG humarap si House Speaker Alan Peter Cayetano sa imbestigasyon ng Ombudsman patungkol sa mga alegasyon ng korupsiyon na may kaugnayan sa pagpatakbo ng Southeast Asian (SEA) Games.

Nagbanta si Cayetano sa mga kritiko niya na kanyang bubuweltahan.

Dalawang linggo na, aniya, na sinabi niyang handa siya sa mga imbestigasyon.

“Two weeks ago, when the SEA Games was under attack by groups out to discredit the government with fake news reports of unpreparedness and corruption, I already announced that we not only welcome, but are ourselves calling for an investigation by the proper agencies at the right time to clear the air about these unfounded allegations,” ani Cayetano.

Ang Ombudsman ay nagbuo ng grupo para imbestigahan ang katiwalian sa SEAG na pinamamahalaan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC)  na pinamumunuan ni Cayetano.

“We will fully support all investigations, and as I said before, I am ordering full transparency, audits and opening of all books,” aniya.

Ani Cayetano, “Walang anomalya sa PHISGOC. Wala itong anomalya.

“As we are ready to meet all these accusations, I am also issuing fair warning to all those who plotted against the SEA Games and put politics over country; those who espoused and spread fake news and malicious lies. Personally I forgive you, but for the national interest thereto accountability and a reckoning,” ayon sa speaker at pinuno ng PHISGOC.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *