Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Samantha Lo, binawian na ng korona?

MAY valid reason kaya wala sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at Bb. Pilipinas Supranational 2019 Resham Saeed sa One Love, One Kawit, ang fashion show na ginanap kagabi, November 23, 2019 sa harap ng Aguinaldo Shrine at isa sa mga project ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo bilang suporta sa local fashion designers ng bayan na nasasakupan niya.

Naghahanda na si Gazini para sa 68th Miss Universe na magaganap sa Atlanta, Georgia, USA sa December 8, 2019 samantala nakalipad na si Resham sa Poland para sa coronation ng Miss Supranational 2019 na nakatakda sa December 6, 2019.

In absentia sina Gazini Ganados (Miss Universe Philippines), Resham Saeed (Bb. Pilipinas Supranational), at Samantha Lo (Bb. Pilipinas Grand International) sa One Love, One Kawit fashion show last November 23.

Mata­tan­daang na-deport sa Paris, France si Samantha Lo noong nakaraang buwan da­hil fake ang Philip­pine pass­port niya.

Nang tanungin ang naroroong beauty queens, sinagot ni Tiglao na hindi raw nila masasagot ito.

Basing from the reactions of the reigning Bb. Pilipinas queens, obvious na may idea sila kung bakit hindi nila kasama si Samantha sa Kawit fashion show.

May mga hearsay na malaki raw ang posibilidad na binawi ng Bb. Pilipinas Charities Inc., ang korona at beauty title ni Samantha dahil sa mga pahayag nito laban sa organization nang ma-deport siya mula sa Paris, France.

Natuloy ang pagsali ni Samantha sa Miss Grand International na ginanap sa Venezuela noong October 25, 2019 pero natalo siya. Lumipad si Samantha sa Venezuela nang walang clearance mula sa BPCI.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …