NANAWAGAN kahapon ang ilang kongresista na itigil na ang bangayan patungkol sa P50-milyones na kaldero sa SEA Games.
Anila, dapat ng magkaisa ang nga Pinoy at kalimutan ang mga kontrobersiya kaugnay ng ika-30 Southeast Asian (SEA) Games na mag-uumpisa sa 30 Nobyembre hangang 11 Disyembre 2019.
Ayon kay Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., Quezon City Rep. Onyx Crisologo, at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dapat nang itigil ang bangayan sa kaldero at iba pang mga pasilidad sa SEA Games.
Kumalat na sa news at social media sa ibang bansa ang mga balita patungkol sa mga kapalpakan ng organizer ng SEA Games.
“The cauldron issue which the President has to intervene should be set aside to focus on the SEA Games and the athletes. As President Rodrigo Duterte stated, the cauldron is a work of art — an intellectual creation — which could not be the subject of exact pecuniary estimation.
Nonetheless, I remind everybody not to be swayed by the cauldron issue and instead focus on the biennial regional multi-sport event,” ani Barzaga, president ng National Unity Party (NUP).
Sa panig ni Crisologo, politikal ang dahil kung bakit sumingaw ang mga isyu.
“Let us stop the politics and just support the athletes and the hosting of the games,” ayon kay Crisologo.
“Sports inspire us to be become better [Filipinos where we can show] teamwork, discipline and pride,” ani Crisologo.
Ayon kay Defensor, ang isyu sa ‘kaldero’ ay dapat ipinagpaliban muna hangang matapos ang SEA Games.
Naunang binatikos ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kaldero ng SEA Games.
Aniya puwedeng ipagawa ng 50 silid-aralan ang ginastos sa paggawa ng kaldero.
Kaugnay ng SEA Games, sinabi ni Barzaga, kailangan bigyan ng magandang incentives ang mga atletang mananalo sa mga palaro.
Sa kasalukuyan ang mga Pinoy na gold medallist ay binibigyan ng P300,000; P150,000 sa silver medallists at P60,000 sa bronze medallists.
Ani Barzaga, kailangan nang itaas ito lalo sa mga winner sa Asian Games – P2,000,000 para sa gold medallists; P1,000,000 sa silver medallists; at P400,000 sa bronze medallists.
Sa mga mananalo naman sa Olympics kailangang itaas ito sa P10 milyon sa gold medallist, P5 milyo sa silver medallist at P2 milyon sa bronze medallist.
(GERRY BALDO)