IMBES maging independent ang Kamara sa Ehekutibo, sunod nang sunod ito sa nga kagustuhan ng Pangulong Duterte.
Ani Albay Rep. Joey Salceda, nangyayari ito dahil sa sobrang takot ng mga kongresista sa pangulo.
Ayon kay Salceda sa panayam sa ABS-CBN news nitong nalaraang Martes, lahat ng ginusto ng pangulo ay sinasangayunan ng mga mababatas.
“Takot,” ani Salceda, “ang mga mambabatas na kontrahin ang gusto ng pangulo sa pangambang bubuweltahan sila nito.”
Ani Salceda may pagka-authoritarian ang kasalukuyang administrasyon.
“In consequence, yes (it is authoritarian), but not in character. How can you say that? In effect, yes,” nang tanungin kung authoritarian nga ang rehimeng Duterte.
“Katulad naming mga congressman, boto lang kami nang boto kay Pangulo sa takot namin,” ayon kay Salceda.
Ngunit sinabi ni Salceda, mas tama ang salitang decisive kaysa authoritative.
“Authoritative (but) decisive is the better word,” ayon pa sa mambabatas.
ni GERRY BALDO