MAGPAPATUPAD ng mandatory standard certification sa mga construction materials ang Department of Trade and Industry (DTI).
Tiniyak ng DTI na maraming mga produkto ang isasalang sa mandatory standard certification para masiguro na hindi malagay sa panganib ang publiko dahil sa mahinang construction materials.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, naglagay na rin sila ng mahigpit na panuntunan at pinaigting na monitoring sa mga imported at locally manufactured steel products.
Ang hakbang ng ahensiya ay kasunod ng nangyaring sakuna sa maraming establisiyementong gumuho sa nangyaring lindol sa Mindanao kamakailan.
(JAJA GARCIA)