INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nasugatan o nadamay na Filipino sa bushfires sa New South Wales, Queensland, at Western Australia.
Ayon sa DFA, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya at Filipino community leaders sa bansang Australia para matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy na naroon at mahigpit nilang imino-monitor ang sitwasyon sa mga apektadong lugar.
(JAJA GARCIA)