SA GITNA ng mga pag-uudyok kay House Speaker Alan Peter Cayetano na huwag parangalan ang kasunduang term-sharing dahil sa magandang survey nito, sinabi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kahapon na tuloy pa rin ang kanilang ”gentleman’s agreement.”
Ayon kay Velasco, napipintong mag-take-over sa puwesto ni Cayetano pagkatapos ng 15 buwan, hindi pa napapahon pag usapan ang term-sharing pero dapat igalang ang kasunduan.
“Honestly, sa ‘kin alam ko tuloy pa rin. An agreement is an agreement. A gentlemen’s agreement is a gentlemen’s agreement,” ani Velasco sa interbyu ng House media kahapon.
“I really don’t want to comment talaga. It’s still so early. It’s already November. Next year pa naman ‘to —October,” dagdag niya.
Inilinaw ni Velasco, magkakaroon din ng botohon sa pagka-speaker pagkatapos ng termino ni Cayetano.
“Of course (election), we cannot go through (term-sharing) unless we go to voting,” paliwanag ng kongresista.
“Based on the gentlemen’s agreement, I will see you next year as the next Speaker of the House,” ani Velasco.
Aniya, nakapokus lamang siya sa trabaho bilang chairman ng House Committee on Energy at kung paano mapabababa ang singil sa koryente.
“Just focusing lang po passing laws na I believed, makatutulong po na makababa ng koryente sa ating mga kababayan,” ayon sa mambabatas.
(GERRY BALDO)