NAGBABALA si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga mambabatas na ang kagustohan ni Sen. Panfilo Lacson na buksan sa midya ang bicameral meetings sa panukalang P4.1 trilyong national budget para sa 2020 ay magiging circus.
Ani Cayetano, nag-aalala siya na ang mga miting na ito ay magiging paraan para umeksena ang mga kongresista.
“We have to be very realistic on how we can get the job done. When you open it for live coverage, what will happen is many (lawmakers) will play to the media, play to the gallery, instead of really discussing the budget,” ani Cayetano sa interbyu kahapon.
Ayon kay Cayetano, kailangan i-formalize ng Senado ang panukala ni Lacson bago pormal na pag-usapan at desisyonan ng mga kongresista.
Sinabi rin ni Cayetano kung bubuksan sa midya ang mga pag-uusap sa budget ay baka maantala ang pag pasa nito dahil magpapa-cute ang mga kongresista sa harap ng TV camera.
“When you open it to the media, it’ll be February, March, April and we still don’t have an approved budget. What good is the budget then?” aniya.
Inaasahan na ang Senado at ang Kamara ay mag- uusap sa tinatawag na “bicameral conference committee” upang pagtugmain ang magkakaibang bersyon ng General Appropriations Bill (GAB).
(GERRY BALDO)