Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Chinese kulong sa pambubugbog ng bebot

KALABOSO  ang isang Chinese national makaraan ipagharap ng reklamo ng pambubugbog ng kanyang nobya sa himpilan ng pulisya sa Las Piñas City.

Kinilala ang pulisya ang suspek na si Bainian Cao, 35 anyos, residente sa Bgy. Almanza Uno, Las Piñas City.

Sa imbestigasyon, nangyari ang pambubugbog sa bahay ng suspek sa Maui Building, Ohana Residences.

Ayon sa biktimang si alyas Fhaye, 25 anyos, pinagbintangan siya ng suspek na nakikipag-ugnayan pa sa kanyang dating kasintahan na kanyang pinagseselosan.

Dito na umano siya pinagsusuntok sa ulo at mukha ng suspek nang ilang beses saka sinakal sa leeg.

Nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang biktima kaya nakahingi ng tulong sa mga security guard at barangay na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Nakakulong ang suspek sa Las Piñas City Police at sasampahan ng kasong physical injury in relation to violation of Violence Against Women and Children (VAWC). (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …