Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
npa arrest

ASG huli sa Parañaque

INARESTO ng Southern Police District (SPD) at National Bureau of Investigation (NBI), ang isang pinagsu­suspetsa­hang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Parañaque City, kama­kalawa.

Kinilala ang akusadong si Haber Baladji, alyas Ama­ma, nasa hustong gulang, sinabing isa sa mga kasapi ng ASG.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng intelligence driven operation ang mga tauhan ng District Intel­ligence Division ng SPD at Counter Terrorism Division ng NBI, Naval Intelligence and Security Group (NISG), at Parañaque City Police, laban sa ASG wanted person sa panulukan ng Russel Avenue at Roxas Boulevard sa nasabing lungsod, dakong 8:15 am.

Hinuli si Baladji sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 266 Judge Toribio Ilao para sa six counts kidnapping at serious illegal detention.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Dinala ang suspek sa tanggapan ng CTD-NBI sa Maynila para sa kustodiya ng suspek.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …