Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

Ari ipinahimas sa masahista parak wanted sa kabaro

INIREKLAMO ng isang masahista at sinampahan ng kasong acts of lasciviousness sa himpilan ng pulisya ang isang pulis na nambastos sa isang massage parlor kamakalawa ng hapon, 28 Oktubre sa lungsod ng Balanga, lalawigan ng Bataan.

Kinikilala ang suspek na si P/Cpl. Robin Mangada, nasa hustong gulang, at kasalukuyang nakatalaga sa Abucay Municipal Police station.

Ayon sa ulat, dakong 2:40 pm nang magpamasahe si Mangada sa biktimang kinilalang si Monnina Thea Mendoza, 19 anyos, residente sa bayan ng Samal at isang massage therapist ng Yuan Spa sa Bgy. San Jose, sa lungsod ng Balanga.

Habang nakatihaya at minamasahe ng biktima sa hita si Mangada ay itinaas ang boxer short pants nito sabay dakma sa kaliwang kamay ng dalaga at pinahawak umano sa kanyang ari.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ng kaniyang mga kabaro ang suspek na pulis dahil sa pangmomolestiya sa masahista.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …