Monday , December 23 2024

Ibinuking ng Solon: PWD ID for sale sa ‘rich kids’

ISINIWALAT ni ACT-CIS partylist  Rep. Eric Yap, ang identification card para sa persons with disability (PWD) ID ay ibinebenta ng mga fixer sa mga taong walang kapansanan.

Ani Yap, nagagamit ang PWD ID ng iilang mayayaman bilang dis­count card upang maka­tipid sa pagbabayad sa bilihin at mga serbisyo.

Nakaiiwas din, umano sa pagbayad ng value-added tax (VAT).

“May nag-report sa akin na ‘yung anak daw niya maraming classmate sa La Salle, naka-PWD po lahat, walang sakit,” ani Yap.

Sa ulat, sinabing pinadalhan ng sulat ng tanggapan ni Yap ang La Salle para sa nasabing isyu.

Ani Yap, halos 32 porsiyento ang nadi-discount sa pagkain kapag pinagsama ang 20 porsiyentong diskuwento at ang 12 porsiyentong VAT na naiiwasan ng mga may hawak na PWD ID kahit wala namang kapansanan.

“Ginagawa na nilang discount card ang PWD ID,” ayon kay Yap.

Ang PWD ID, ay nakukuha sa mga fixer sa ahensiya ng gobyerno kapalit ang P3000 hangang P5000.

“Kung ang peke (na PWD) na dumaraan sa mga fixer ay darami nang darami, e kawawa ho ‘yung mga tunay na PWD dahil sila ang mauubusan ng pondo rito at sila ang hindi makakukuha (ng ID),” ani Yap.

ni GERRY BALDO

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *