Saturday , November 16 2024

Duterte hindi malubha — Sen. Bong Go

MAGPAHINGA nang ilang araw si Pangulong Rodrigo Duterte, ang payo ng kanyang doktor dahil sa pagsakit ng gulugod dulot ng muscle spasm nang sumempalng sa motorsiklo noong naraang linggo.

Ayon kay Sen. Chris­topher “Bong” Go, sumai­lalim sa magnetic reso­nance imaging (MRI) si Pangulong  Duterte kahapon ng madaling araw pagdating sa bansa mula sa Japan.

Batay aniya sa resulta ng MRI, walang naipit na ugat sa spinal column ng Pangulo at sabi ng doktor, muscle spasm ang sanhi nang nararamdamang sakit sa gulugod  ng Punong Ehekutibo.

“Ako na po ang mag-a-assure sa inyo, nothing to worry, purely muscle spasms po ‘yun at kaila­ngan lang po ng pahinga ng ating Pangulo,” aniya.

Kailangan aniyang uminom ng pain reliever ang Pangulo upang maib­san ang sakit ng gulugod, ayon sa payo ng doktor.

“Ang ikinabahala namin at first kung tina­maan ang kanyang spine since it was unbearable pain nga po ang nararam­daman niya kahapon pero salamat po sa Panginoon at wala naman pong da­pat ikabahala at tining­nan talaga ng doctor ha­bang ginagawa ‘yung MRI, tiningnan ng doctors kung mayroon bang naipit na ugat that caused the pain, wala naman po. Nakita nila purely muscle spasms at ‘yung gamot na ibinigay sa kanya para roun sa muscle spasms,” sabi ni Go.

Tiniyak ni Go, haharapin ni Pangulong Duterte sa Malacañang ngayon si Chinese Vice Premier Hu Chuanhua kahit may iniinda siyang sakit.

“Darating ang vice premier ng China tomor­row, haharapin niya. Kaya naman, alam mo si Pa­ngu­lo, kahit na may nararamdamang sakit talagang magtatrabaho, tatayo ‘yan, mataas ang threshold n’ya sa sakit,” dagdag ni Go.

Matatandaan, pinaik­li ng Pangulo ang kanyang official visit sa Japan dahil sa sinabing “unbear­able pain” sa gulugod.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *