INAPROBAHAN ng toll regulatory board (TRB) ang petisyon sa karagdagang toll rate para sa Phase 1 ng Segment 1 (R1 Expressway) Enhancement ng Manila Cavite Expressway Project, na kapwa inihain ng Philippine Reclamation Authority (PRA) at ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) upang bigyan ng awtoridad ang PRA at CIC na mangolekta ng dagdag na toll rates sa 24 Oktubre 2019.
Magsisimulang mangolekta ang expressway operator ng karagdagang P1.00, P2.00 at P3.00 para sa Vehicle Class 1, 2 at 3 kaya ang magiging toll rate ng 7-kilometer Cavitex Segment 1 (R1) ay papalo na sa P25, P50 at P75 para sa tatlong kategorya ng mga sasakyan.
“Cavitex has heavily invested to improve and enhance the services to its motorists, so this is a very important development for us, to be able to keep on delivering our promise of a high quality and safe expressway,” pahayag ni CIC President Bobby Bontia.
Ang kasalukuang toll sa CAVITEX ay P24 para sa 7-kilometer stretch para sa class 1 vehicles, P48 sa class 2 at P72 naman sa class 3.
“CIC has been investing on the upkeep and improvement of CAVITEX to prevent deterioration of the expressway and maintain its high-quality standards since we started our operations. Our holding company Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) has taken over the CIC concession in 2013 and immediately a year after, undertook a road resurfacing project for the R1 segment to give motorists a better experience,” ani Bontia.
Patuloy ang CIC sa P1.1-bilyong enhancement ng CAVITEX para sa phase 1 na aabot sa P800-milyon para sa pagpapalawak ng lanes (widening of lanes) at konstruksiyon ng isang left-turn facility sa Marina flyover na binuksan noong Disyembre 2018; at ang pagpapatayo ng phase 2 na P300-milyong pagpapalawak ng mga tulay sa Wawa, Las Piñas at Parañaque na inaasahang matatapos sa Mayo 2020. (J. GARCIA)