Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Sex den’ sa Makati hotel buking sa 35 Chinese ‘sex workers’

SINALAKAY  ng mga awtoridad ang isang hotel na ginagawang sexual activities kung saan 35 babaeng Chinese national’s na pawang sex workers ang nasagip, 21 lalaking  kustomer na kanila rin kababayan at 10 empleyadong Filipino ang hinuli sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Makati City Police Chief Col. Rogelio Simon, naaresto ang mga suspek sa ikinasang entrap­ment operation sa  9th Floor, (Show­room), 10th Floor at Penthouse sa MAXX Hotel, Makati Avenue, Bgy. Poblacion, Makati City dakong 1o:00 pm.

Ayon kay Simon, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa nagaganap na sexual activities sa naturang hotel na kinasasangkutan ng Chinese nationals.

Bumuo ng team ang hepe ng Makati Police para salakayin ang natu­rang hotel at dito naa­butan ang mga babaeng Chinese nationals na pawang sex workers at mga kababayan din nila ang kanilang kustomers.

Sinabi ni P/Col. Simon, ang mga lalaking dayuhan ay nagtra­tra­baho sa Philippine Off­shore Gaming Operator (POGO).

Napag-alaman, isina­sagawa ang transaksiyon sa pamamagitan ng mobile application na “We Chat” na ginagamit sa booking para magka­roon ng customer kung saan idinaraos ang sex sa den.

Bukod dito nasa P20,000 hanggang P45,000 ang sex service kada isang oras na gina­gawa sa isang VIP room.

Nakuha mula sa natu­rang lugar ang as­sorted sex para­phernalia, costumes, sex toys, sex books at tally board.

Ayon kay Simon, hihilingin nila sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati na ipasara ang naturang hotel dahil sa ginagawang sex den ng mga dayuhan at aalamin kung sino ang operator nito.

Sinasabing pang-apat na beses nang sinalakay ng mga awtoridad sa area ng southern Metro Manila ang malalaking establi­syemento na iniuulat na ginagawang sex den.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang 35 babaeng Chinese nationals, 21 lalaki at 10 empleyado at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Anti-trafficking in Person Act of 2012 sa Makati Prosecutor’s Office.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …