Saturday , November 16 2024

Krisis sa ‘mass transportation’ hindi pa ramdam ng Palasyo

NANINIWALA ang Palasyo na wala pang umiiral na krisis sa mass transport sa Metro Manila dahil nakararating pa sa kanilang destinasyon ang mga pasahero.

“Mukha namang wala pa. Wala. Kasi nga nakakarating pa naman ‘yung mga dapat makarating sa kanilang paroroonan,” tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na nakararanas ng mass transport crisis sa Metro Manila

Ayon sa Bayan, ngayon lang nangyari na ang tatlong rail systems sa Metro Manila ay nagkaroon ng aberya sa loob lamang ng isang linggo.

Panawagan ni Panelo sa mga pasahero, umalis nang maaga upang makarating sa oras sa kanilang paroroonan.

“May solusyon naman do’n ‘e. If you want to go, arrive early to your destination then you go there earlier,” ani Panelo.

“Ano bang ibig sabihin nila sa transportation crisis? Ang nakikita ko lang ‘yung traffic. May transportation naman a. Nakasasakay naman tayong lahat,” aniya.

Para kay Panelo, “big improvement” pa ngang maituturing na isang beses na  lang nagkakaaberya sa rail system na dati’y araw-araw na kaganapan.

“O ‘di ba and’yan pa naman ‘yung tatlong LRT [Light Rail Transit] ba ‘yun? Nabasa ko ‘yung paliwanag nila dati daw halos araw-araw nagbo-bog down, ngayon daw once a week na lang. So malaki raw ang improvement. Kung araw-araw naging once a week, e ‘di ang laki nga ng improvement,” sabi ni Panelo,

Sa kabila nito’y aminado si Panelo na kailangang maayos ang sitwasyon at hindi ito dapat maging kalbaryo sa mahabang panahon.

“Kailangan magkaroon ng improvement. ‘Di naman pupuwedeng forever tayong ganito,” pahayag ni Panelo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *