Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitty Duterte ligtas na sa dengue

NAGPAPAGALING na si presidential daughter Veronica “Kitty” Duter­te sa sakit na dengue.

Ito ang nabatid kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Aniya, batay sa nakuha niyang impo­rmasyon sa ina ni Kitty at longtime partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña, nagpa­paga­ling na ang 15-anyos na presidential daughter.

Kamakalawa ay binista ng Punong Ehe­ku­tibo sa ospital si Kitty, batay sa insta­gram post ng presi­dential daughter ay makikitang nakaupo siya sa hospital bed at kitang nasa likuran niya si Pangulong Duterte.

Nilagyan pa niya ang linyang “with dad­dy shark” ang nasabing video.

Matatandaang ki­nom­pirma ni Senador Chrsitopher “Bong” Go na nagkasakit nga ng dengue si Kitty.

Ito ay kahit pa isa siya sa mga naturukan noon ng kontrobersiyal na dengue vaccine na Dengvaxia.

Una na rin sinabi ni Pangulong Duterte na nagmamadali siyang umuwi mula sa Russia dahil nga nagkasakit ang kanyang bunsong anak.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …