Saturday , November 16 2024
oil lpg money

Paliwanag sa “One-time, big-time” oil price hike hiningi… DOE nagbanta vs oil companies

POSIBLENG masam­pahan ng kaso ang mga kompanya ng langis at matanggalan ng certi­ficates of compliance kapag hindi nabigyang katuwiran sa loob ng tat­long araw ang ipinatupad na “one-time, big-time” oil price hike.

Sinabi ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido, pinadalhan ng “show-cause order” ng Department of Energy (DOE) ang mga kompan­ya ng langis para pag­paliwanagin kung bakit nagpataw ng “one-time, big-time” oil price hike noong isang linggo.

Ito ay kahit may dati silang reserba at hindi pa naman nakaapekto sa presyo ang “drone attack” sa oil refineries ng Saudi Aramco kama­kailan.

Bukod dito, pinag­papaliwanag din ng DOE ang mga kompanya ng langis kung bakit kulang ang ipinatupad nilang bawas-presyo o rollback sa petrolyo ngayong linggo.

Magugunitang P2.35 kada litro ang ipinataw na price adjustment sa gasolina dahil sa “drone attack” noong isang buwan habang P1.80 kada litro ang ipinatong sa diesel.

Mas mataas nang P0.22 ang itinaas sa presyo ng gasolina ng mga kompaniya ng langis habang P0.60 sa presyo ng diesel.

Sa kaso ng liquified petroleum gas (LPG), gusto rin marinig ng DOE ang paliwanag ng LPG retailers kung bakit mababa ang ipinatupad na price rollback mula sa sinabi nilang halaga ng taas ng presyo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *