UMAASA si Rep. Rowena Niña Taduran ng ACT-CIS Party-list na ang pagbuhay ng tren sa Bikolandia ay magdadala ng pag-unlad sa mga bayan na daraanan ng proyekto.
Ayon kay Taduran, nagmula sa Iriga City sa Camarines Sur, ang “test run” na ginawa ng Philippine National Railways (PNR) mula Tutuban sa Maynila hanggang sa Naga at Iriga City ay nagbibigay ng pag-asa sa pag-unlad ng ekonomiya at turismo sa Timog Luzon.
Naniniwala rin si Taduran na magbebenepisyo ang sektor ng agrikiltura sa tren dahil mapadadali ang biyahe ng mga produkto mula sa Bikolandia.
Umapela si Taduran sa gobyerno na siguraduhing mabibigyan ng karampatang kabayaran ang mga bahay na madaraanan ng riles ng tren.
“I am appealing to the government to make sure that the families who will be displaced from the construction and the rehabilitation of the 639 kilometer-railroad track will be given appropriate resettlement sites,” ani Taduran.
Aniya aabot sa 85,000 pamilya ang maaapektohan habang ginagawa ang riles ng tren.
Nakiusap si Taduran sa gobyerno na bigyan ng trabaho ang mga Filipino sa pagkumpuni ng tren na ang mga Intsik ang may hawak ng proyekto.
(GERRY BALDO)