KAPURI-PURI ang pagpapakita ng delicadeza ni Lt. Gen. Ronnie Evangelista nang magbitiw bilang superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) matapos mamatay si 4th Class Cadet Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tamang hakbang sa gitna ng pagsisimula ng ikakasang imbestigasyon sa insidente ang pagre-resign ni Evangelista.
“We welcome this development as a right step towards upholding the integrity of the PMA as the country’s premier military institution and recognize the same as a form of genuine delicadeza on the part of Lt. Gen. Evangista,” ani Panelo.
Kaugnay nito, tiniyak ni Panelo na walang whitewash na magaganap kasabay ng pahayag na maipagkakaloob ang kaukulang hustisya para sa pagkamatay ng plebo.
Kahapon ay matatandaang nagpahayag ng paniniwala si Panelo na kailangan mag-resign si Evanglista dahil sa “command responsibility” kasunod ng nangyari kay Dormitorio.
(ROSE NOVENARIO)