IKINATUWA ng Palasyo na 8 sa 10 adult Pinoy ay pabor sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra illegal drugs, batay sa pinakahuling Social Weather Survey (SWS).
Sa kalatas ay sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na anomang imbestigasyon kaugnay sa drug war ng administrasyon ay walang epekto sa paniniwala ng mga Pinoy sa klase ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“The majority of the Filipino people continue to rally behind President Rodrigo Roa Duterte’s battle cry against the lethal plague of illegal drugs,” ani Andanar.
Naniniwala si Andanar na ang paglalabas ng resulta ng naturang “non-commissioned survey” ay napapanahon at mahalaga dahil binubuhay muli ng oposisyon ang isyu ng drug-related deaths.
“We ask the critics of the President to learn from the results of the survey, engage with the people and embrace the sweeping tide of change that has swept the nation. This is a call to all the opposition to finally stop politicizing this campaign, and instead, look at how the anti-drug war has made the people’s lives better,” dagdag niya.
(ROSE NOVENARIO)