INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total revamp sa Bureau of Corrections. (BuCor) upang matuldukan ang korupsiyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa direktiba ng Pangulo, ang mga opisyal at kawani sa New Bilibid Prison (NBP) ay ililipat lahat sa probinsiya at ang mga nasa lalawigan ang papalit sa kanila sa BuCor.
“Ah oo total revamp sa Bureau of Corrections. Ang pagkakasabi niya sa akin ;yung mga guards doon ililipat niya sa probinsiya, ‘yung mga nasa probinsiyang guards ililipat niya sa BuCor,” aniya tungkol sa naging pag-uusap nila ni Pangulong Duterte.
Bibigyan aniya ng Pangulo ng kalayaan si bagong BuCor chief Gerald Banta na pumili ng kanyang magiging mga tauhan.
ni ROSE NOVENARIO