Monday , December 23 2024
electricity meralco

Pagbaba ng koryente inaasahan sa bagong kontrata ng Meralco

UMAASA ang House committee on energy na bababa ang singil sa koryente ng Meralco matapos lagdaan ang panibagong kontrata sa supply ng koryente sa pamamagitan ng Competitive Selection Process (CSP) para sa power supply agreements.

Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ang chairman ng komite, matagumpay ang ginawang bidding ng MERALCO sa Power Supply Agreements (PSA) sa Phinma, San Miguel Energy Corp. (SMEC) at South Premiere Power Corp. (SPPC).

“Magreresulta ito ng pagbaba sa singil sa koryente,” ani Velasco.

Aniya, mas mababa ang benta ng mga nanalo sa bidding kaysa kasalukuyang kontrata ng Meralco.

“These are very price competitive and lower than prevailing generation charges,” ani Velasco.

Paliwanag niya ang nangyari ay tugma sa hinaha­ngad ng administrasyong Duterte na pababain ang presyo ng koryente sa bansa at siguraduhin ma tuloy-tuloy ang supply nito.

Aniya, ang Republic Act No. 11371, o ang Murang Kuryente Act na pinirmahan ni Pangulong Duterte nitong Agosto 2019, ang nagbigay-daan para sa pagbaba ng presyo ng nakonsumong koryente ng mga Filipino.

“We laud the Department of Energy (DoE) and its head, Secretary Alfonso Cusi, as well as industry players and stakeholders for acting swiftly to boost government initiatives in finding ways to provide adequate power supply at lower costs to the end-users,” ani Velasco. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *