ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gerald Bantag bilang bagong director ng Bureau of Corrections (BuCor) kapalit ng sinibak na si Nicanor Faeldon.
Sa kalatas ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang paghirang kay Bantag ay bunsod ng kanyang “professional competence and honesty.”
“The Palace is behind the President’s decision and is confident that DG Bantag will continue the Administration’s campaign against corruption as he spearheads reform initiatives in the Bureau,” ani Panelo.
Matatandaan, noong Parañaque jail warden si Bantag ay naging kontrobersiyal nang makasuhan ng 10 counts of murder dahil nagkaroon ng pagsabog ng granada sa loob ng Parañaque City Jail na ikinamatay ng 10 preso na sina Jacky Huang; Yonghan Cai, kapwa Chinese nationals at may kasong droga; Waren Manampen; Ronald Domdom; Rodel Domdom; Danilo Pineda; Joseph Villasor; Oliver Sarreal; Jeremy Flores at Jonathan Ilas.
ni ROSE NOVENARIO