TUMAAS sa 658 inmates ang nasa pangangalaga ng Bureau of Corrections (BuCor) na kabilang sa napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Sa inilabas na datos ni BuCor Spokesperson Sonny del Rosario, nasa 360 ang nasa pangangalaga ng New Bilibid Prison (NBP) sa minimum security compound sa lungsod ng Muntinlupa.
Umabot sa 19 babaeng preso ang nasa pangangalaga ng Davao Prison & Penal Farm, Correctional Institution for Women.
Habang 131 lalaking preso ang nasa pangangalaga ng Davao prison penal farm.
Nasa 43 preso sa (SRPPF) San Ramon Prison & Penal Farm sa Zamboanga City.
Halos 28 preso ang nasa (SPPF) Sablayan Prison & Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Sa Leyte Regional Prison, 20, at nasa 48 sa Iwahig Prison & Penal Farm, habang 9 naman na babaeng preso ang nasa Correctional institution for Women.
Sinabi ni Del Rosario ang naturang bilang ng mga bilanggo ay kusang sumuko matapos ipag-utos ni Pangulong Duterte sa loob ng 15 araw ay kailangan sumuko ang mga napalayang preso sa ilalim ng GCTA partikular ang may kasong heinous crime.
(JAJA GARCIA)