Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abante printing office sinunog

PATULOY ang imbes­tigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa naga­nap na panununog ng riding-in-tandem sus­pects sa imprenta ng pahayagang Abante sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City BFP, nagsimula ang sunog sa production area ng industrial printing press ng Abante na mata­tag­puan sa 8272 Fortunata Building 1, Vitalez Compound, Barangay San Isidro dakong 1:57 am.

Agad nagresponde ang mga bombero at sinabing nakontrol ang apoy dakong 2:06 ng madaling araw at tina­tayang P50,000 ang natupok na ari-arian.

Sinasabing sinadya ang pagsunog sa loob ng naturang tanggapan.

Samantala naglabas ng pahayag ang pamu­nuan ng Abante News Group at mariing tinu­ligsa ang ginawang pag-atake at pagsunog ng apat armadong lalaki na pawang nakamaskara.

“The management and staff of Abante and Tonite condemn this dastardly attack, the first violent act against our group and its facilities since 1987. We will not be cowed by this attempt to strike fear into our reporters, editors and staff. Our commitment to hard-hitting journalism remains unshaken,” pa­ha­yag ni Abante mana­ging editor Fernando Jadulco. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …