Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Bogus na transport organizer sa QC binoldyak ni Inton

KALBARYO na ang dinaranas na hirap ng grupo ni QC Traffic Czar Atty. Ariel Inton para maiayos ang trapiko sa buong QC pero mayroon namang sumasabotahe dito para mambalasubas at ipaghanapbuhay ang mga alternatibong remedyo na ginagawa ng grupo ni Atty. Inton.

Tinukoy ni Atty. Inton, ang isa umanong  Albert Satur de Juan, ang naniningil ng P25,000 bilang membership fee para maluwag na makapagkarga ng pasahero sa kalsada ng QC partikular sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Malamang na ang susunod na gawin nito ay mag-demand ng sarili nilang terminals. Tolonges!

Nagpapakilala itong si Albert Satur de Juan bilang CEO ng FTF Tourist and Rent a Car Corp., na may opisina sa Paco, Manila. Ano naman kaya ang papel nito sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver and operators tulad ng UBER, GRAB taxi at UV Express? Kung wala, e ‘di kolorum ang binubuo ng kumag! Sabi nga ng isang convicted criminal sa BuCor… Attorney… ang resibo?

 

Huwag kayo magpauto

kay Albert Satur de Juan!

Ito ang bilin ni QC Traffic Czar Atty. Ariel Inton sa TNVS operators lalo ang mga kolorum, na huwag magbabayad  kay Albert de Juan para mai-priority sa pick-up points at kaluwagan ng pamamasada sa QC dahil hindi niya kokonsintihin at hindi niya pahihintulutan ang sino man na gamitin ang  Lawyers for Commuters Safety and Protection na una nang naging adbokasiya ng grupo ni Atty. Inton na tumutulong din sa mga naghahanapbuhay sa pamamasada bilang dating Board Member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bago pa man hirangin ni Mayor Joy Belmonte bilang QC Traffic Czar.

Isipin nga naman kung may 500 driver/operators ang mauto ni Albert Satur de Juan, aba’y tumataginting na P12.5 milyon agad ang matotolonges ni kumag sa mga miyembro nito hindi pa kasali ang butaw sa bawat eskiyerda ng mga miyembro sa fly by night na transport association na binubuo ng bugok sa nasasakupan ng Quezon City. Nagmamadaling yumaman si kumag! Hahaha!

BAKAS
ni Kokoy Alano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Kokoy Alano

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …