Saturday , July 27 2024
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Lumang menu, gusto ni Sen. Bong Go, ano ba ‘yan?!

PLANO raw irekomenda ni senator-elect Bong Go na ipagpaliban ang barangay election sa susunod na taon at gawin ito sa 2022, sa kung anong dahilan ay hindi maliwanag, pero sa tingin ng marami ay tulad din ito ng mga ginawa noong mga nakaraang administrasyon bilang bonus sa mga nakaupong mga kapitan ng barangay dahil nakatulong daw sa nakaraang eleksiyon. Walang pagbabago kung ganoon?

Gunitain natin ang pinagmulan ng barangay

Itinatag ni Pres. Ferdinand Marcos at DLGCD Sec. Jose Roño ang mga Barangay noong 1978 upang maging kabahagi sa paghahatid serbisyo at impormasyon ng gobyerno at maging katulong ng mga lokal na pamahalaan, pero taliwas ito sa nangyayari ngayon.  Ang mga opisyal ng barangay ay naging isang higanteng makinarya ng mga politiko at mistulang

de-bateryang robot ng mga lokal na opisyal ng bayan tuwing may eleksiyon. Malayo ito sa totoong layunin ni Marcos noon.

Naging ugat na sila ng sakit ng lipunan ngayon

May ibang barangay na naniningil na ng barangay taxation at may pakialam na rin sa business permit na dati ay pagbibigay lamang ng barangay clearances ang papel na ginagam­panan. May mga opisyal ng barangay na involve sa droga patunay dito ang 207 barangay captains na kasali sa listahan ni Pres. Digong. May mga protektor pa ng ilegal na sugal at prostitusyon na imbes na sila ang sumusupil pero kabaliktaran ang nagyayari. Sila ang makabagong hudas ng bayan at kanser ng lipunan!

Term extensions kapag nagkataon?

Unang hirit pa lamang ito ni senator-elect Bong Go pero parang sintonado kaagad sa pandinig at sa tingin ng taongbayan kahit sabihin pang may matutuwang 42,029 brangay captains sa buong Filipinas ay magiging depekto naman sa inaasahan nila sa 2022 national elections dahil mahigit 100,000 naghahangad tumakbo bilang kapitan sa susunod na taon. Timbangin din dapat ni Senador Bong Go at baka naman magkulang sa pansin ang mas nakararami.

Let it go Sen. Bong Go!

BAKAS
ni Kokoy Alano

About Kokoy Alano

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *